Inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Proclamation No. 297 kagabi, 21 Hulyo, na inaalis ang State of Public Health Emergency sa buong Pilipinas dahil sa COVID-19.
“All prior orders, memoranda, and issuances that are effective only during the State of Public Health Emergency shall be deemed withdrawn, revoked or canceled and shall no longer be in effect,” ayon sa proklamasyon ng Pangulo..
“All EUA (emergency use authorization) issued by the FDA (Food and Drug Administration) pursuant to Executive Order (EO) No. 121 (s. 2020) shall remain valid for a period of one year from the date of lifting of the State of Public of Public Health Emergency for the sole purposes of exhausting the remaining vaccines.”
Inatasan ang lahat ng ahensya na tiyakin na ang kanilang mga patakaran, tuntunin at regulasyon ay dapat isaalang-alang ang pag-aalis ng State of Public Health Emergency at amyendahan ang mga umiiral o ipahayag ang mga bagong isyu, kung naaangkop.
Matatandaang inilabas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 922 noong Marso 2020, na nagdedeklara ng State of Public Health Emergency sa buong bansa bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ang sumunod na EO No. 121 (s. 2020) ay pinahintulutan ang FDA na mag-isyu ng mga EUA para sa mga bakuna sa COVID-19, na dapat ay may bisa lamang sa panahon ng idineklarang public ehalth emergency.
Nakasaad din sa proklamasyon na bagama’t nananatiling seryosong alalahanin ang COVID-19 para sa ilang subpopulasyon at nangangailangan ng patuloy na pagtugon sa kalusugan ng publiko, napanatili ng bansa ang sapat na kapasidad ng healthcare system at mababang mga rate bed utilization sa mga ospital kahit na matapos ang liberalisasyon ng mga protocol sa kalusugan ng COVID-19.
Noong nakaraang Mayo, itinampok ng International Health Regulations (IHR) Emergency Committee ng World Health Organization (WHO) ang pagbaba ng bilang ng namatay sa COVID-19, pagbaba sa mga ospital na nauugnay sa COVID-19 at pagpasok sa intensive care unit, at ang mataas na antas ng kaligtasan sa populasyon sa SARS-CoV-2.
Sumang-ayon din si WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus sa payo ng nasabing komite at natukoy na ang COVID-9
COVID-9 “ is now an established and ongoing health issue, which no longer constitutes a public health emergency of international concern, and advised the transition to long-term management of the COVID-19 pandemic.