Patuloy na nararanasan sa bayan ng Pola sa Occidental Mindoro ang idinulot na bangungot ng paglubog ng MT noong 28 Pebrero.
Sa ginanap na hybrid news conference na “State of the Oil Spill,” sinabi ni Pola Mayor Jennifer Cruz na ang langis at mga latak ay kitang-kita pa rin sa dalampasigan ng kanilang bayan kaya’t walang katotohanan na tapos na ang perwisyong nararanasan sa mga pamayanan.
Anang alkalde, tumanggi siyang lagdaan ang isang dokumento mula sa Philippine Coast Guard na nagsasaad na ang kanilang bayan ay “100 percent cleared of oil and oil residues.”
“The real situation in Pola, according Coast Guard, 100 percent clear, but we don’t see it that way. It’s not 100 percent. Just three days ago, with the visit of Senator JV Ejercito, the oil residues were visible. That’s not 100 percent,” ani Cruz.
Hanggang may langis at mga latak nitong nakikita sa mga barangay sa Pola, hindi siya pipirma sa kanit anong papeles na nagsasabing wala ng epekto ng oil spill sa kanilang bayan.
Bagama’t hindi aniya siya eksperto, sa kanyang tantya ay may 50% pang langis at latak nito kaya nga hanggang ngayonay hindi pa sila puwedeng kumain ng isda at ang kanilang mga mangingisda ay bawal pa rin pumalaot.
“I am not the expert, from what we are seeing, we are not clear. We cannot even fish. Our fishermen are not allowed to go out,” giit ni Cruz.
Simot na aniya ang kaban ng bayan ng Pola at ang natitira na lamang na panggastos para sa kanilang recovery program ay P200,000.
“That’s why our budget of P200,000 for recovery. We can’t just release [the entire amount] because another oil spill might happen,” aniya.
Nanawagan si Cruz kay Mindoro Occidental Gov. Eduardo Gadiano na ayudahan ang Pola.
“If the governor [Eduardo Gadiano] is listening, I am appealing for help. Perhaps you can provide financial aid to us,” ani CRuz.
Umabot aniya sa 4,800 mangingsida ang naapektuhan ng fishing ban na umiiral pa rin sa Pola.
“Other fishermen are forced to find jobs—some work as carpenters—others are into planting crops now, but it will take time for them to harvest and hopefully earn,” anang mayor.
Umaasa siya na ipagpapatuloy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang cash-for-work at bayaran ang mga mamamayan sa bilang ng mga araw na nagsilbi sila upang makatulong sa kanilang kabuhayan.
Para kay Fr. Edwin Gariguez, Convenor ng Protect VIP(Verde Island Passage), walang malinaw na plano ang gobyerno o kahit budget para sa rehabilitasyon ng mga naapektuhang lugar, partikular ang Pola.
“We are hoping that in his state of the nation address, President Marcos will bare plans how to rehabilitate Occidental Mindoro,” sabi ni Gariguez.
Hanggang ngayon aniya ay hindi pa rin nakatatanggap ng compensation ang mga naapektuhan ng oil spill mula sa may-ari ng MT Empress.
“Right now, its enrolment time and many school children may not be able to enroll because there’s no alternative source of income,” paliwanag niya.