Aprub ang pamilya ni Ruffa Gutierrez kay dating Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista.
Inamin ng nakababatang kapatid ni Ruffa na si Richard Gutierrez, naipakilala na ng kanyang ate si Bistek sa kanilang pamilya.
“Oo naman, sobrang bait ni Kuya Herbert sa amin,” tugon ni Richard kung na-introdice na ni Ruffa si Bistek sa kanila.
“Kung saan sila masaya, boto ako sa kaligayahang hangad nila. Basta naka-smile ang ate ko, dun ako.”
Wala pang kompirmasyon mula kina Ruffa at Bistek ng kanilang relasyon.
Humarap si Richard sa presscon ng Iron Heart na ginanap sa Seda Hotel sa Quezon City.
Kasalukuyang uneere ang The Iron Heart sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
“Siyempre we’re very happy and very proud sa achievements ng show. We’re looking forward sa new season.
“Marami pang mga bigating artista ang papasok. It’s going to be better in terms of story line, acting, and, direction.”
Nadagdag sa cast ng The Iron Heart si JM de Guzman.
“I’m very excited to work with JM, I think nakatrabaho ko siya long time ago sa GMA, he’s a great actor and I’m very excited,”ani Richard.