Gov’t exec, ‘nag-Sharon’
sa international event
Tila nawala sa sarili ang isang miyembro ng gabinete at inakala marahil na isang simpleng handaan lamang ang kanyang pinuntahan.
Aba’y malalaos ang mga Mimosa ng Barangay sa husay magbalot ni Gov’t Exec ng pagkaing handa.
Nakangiti pa si Gov’t Exec habang bitbit ang malaking plastic na pinagsidlan niya ng kanyang “Shinaron” sa pagtitipon.
Napahagalpak ng tawa ang ilang nakakita sa kanya, lalo na ang ilang mamamahayag na nakunan pa siya ng larawan.
“Sana pala pinakanta natin si Sec ng “Balutin mo ako” habang naglalakad palabas ng hotel,” sabi ng isang photographer na gustong I-translate sa French ang caption ng larawan ng Gov’t Exec.
Clue:
Marami ng palpak ang Gov’t Exec sa kanyang kagawaran pero hindi siya matinag dahil siya ang nagkakasa ng pagsasapribado ng isang pangunahing pasilidad na unang nasisilayan pagtapak sa Pilipinas.
‘Yun na!