Papalapit na ang pinakahihintay sa lahat ng panig ng bansa, ang Barangay at Sangguniang Kabataang elections at marami ng nagpapa pogi sa kanya kanyang sariling pamamaraan.
Nariyan ang iba’t ibang gimik sa panliligaw sa mga botante upang masungkit ang matamis na “Oo” ng kanilang mga kinasasakupan , pero ito ay para sa mga bagong tumatakbo at hindi pa napupwesto.
Higit sa lahat inaasahan, nagkukumahog magpakita ng maganda sa mga tao ang mga kasalukuyang nanunungkulan lalo na ang mga nagpabaya at hindi nag perform ng mabuti sa loob na limang taon.
Lahat ay gagawin upang maipakita na ginagawa ang kanilang tungkulin gamit ang pondo ng barangay upang maghabol at pagtakpan ang kanilang kapabayaan kahit marami sa kanila’y hindi nagpapakita sa barangay at tanging mga kasama lang ang minsan ang tumutugon sa kanilang gawain.
Ang may problema sa sunod na halalan ay tiyak bubuhos ng malaking pera para makabalik sa puwesto.
Samantalang ang mga opisyal na nag-perform
ng maganda ay walang duda, minahal ng tao at sure ball ang re-election.
Hindi natin masisisi kung ang mga tao ay tatanggap ng pera sa mga ganitong klaseng kandidato ngunit dapat isipin ang pakinabang ng kalahatan, lugar at kaayusan kung saan sama sama makatanggap ang lahat ng biyaya sa mga tao na walang pinipili.
Heto lang ang hamon ng inyong lingkod,’pag maganda ang track record ng lider ‘nyo, eh dapat ituloy ngunit kung pabaya at ‘di maayos ang ginawa ay dapat palitan.
Isulong natin ang “Bagong barangay” Sama sama ang lahat.