Pinagtawanan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga kritisismo laban sa Maharlika Investment Act dahil ang kontrobersyal na batas ay “independent” umano sa gobyerno at walang kaugnayan sa politika.
“I noticed that at the very beginning, I would hear some people commenting, ‘When we have money like that, when we have those funds, they should be allocated to agriculture, infrastructure, they should be invested in energy development,’” sabi ni Marcos matapos lagdaan ang kontrobersyal na batas sa Palasyo kahapon.
“Well, I was watching television and I said, of course I was talking to the TV, where do you think they’re thinking of putting it? Are we going to buy fancy cars? Are we going to buy a large yacht? That… it makes me laugh because that is so far from the truth,” dagdag niya.
Iginiit niya na ang pagtatatag ng isang Investment Fund ay makababawas sa pangungutang ng Pilipinas para sa mga proyektong pang-empraestraktura.
“I assure you that the resources entrusted to the fund are taken care of with utmost prudence and intent,” aniya.
Kaugnay nito, tiniyak ng Taumbayan Ayaw sa Maharlika Fund Network Alliance (TAMA NA) na maghahain ito ng petisyon para kwestyunin ang konstitusyonalidad ng Maharlika Fund Act sa takdang panahon.
Ang TAMA NA ay isang malawak na alyansa ng mga mamamayan na binuo upang tutulan ang pagpasa ng Maharlika Fund Act at isulong ang transparency, pananagutan, at mabuting pamamahala.
“Ang pag-iral ng tila makasariling interes sa pagpirma sa isang batas na inakda ng kanyang pinsan at anak, kung saan ang kanyang administrasyon ay magkakaroon ng ganap na kontrol sa bilyun-bilyong pisong publikong pondo, ay sapat na para mabigyang-katwiran ang mga duda sa tunay na adyenda ng buong batas na ito,” anang TAMA NA sa isang kalatas.