Hindi pa ito ang tamang panahon para pagtuunan ni Alden Richards ang kanyang love life.
“I wouldn’t say that my career is always right but maybe it’s not the right time for love para po sa akin,” sabi ni Alden sa ‘Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan.
Tinigilan na raw ng aktor na maghanap ng magiging karelasyon at hihintayin na lang kusang dumating ang ‘the right one’ para sa kanya.
“Dumating po kasi ako sa stage na ’yan, Tito Boy, na naghahanap, e. And during those times na naghahanap ka, doon madalas ’yong hindi [ka makakakita], e. So ngayon try nating wag [maghanap] baka may dumating,” sabi ng aktor.
Sakali mang maging makulay ang love life ni Alden, pananatilihin niyang pribado ito.
“Parang ’yon na lang ’yong p’wede kong i-protect, Tito Boy. I think that’s the only thing na I can save kasi kinakalkal po everyday, e,” tugon ni Alden.