Hindi iiyakan ni Andrea Brillantes ang isang lalaking dugyot matapos niyang ibulgar na hindi nagpa-laundry ng isang taon ang ex-boyfriend na si Ricci Rivero.
Kalat na sa social media ang pagiging dugyot ng basketball player dahil sa naging panayam ni Andrea Brillantes kasama ang komedyante at host na si Vice Ganda sa isang Youtube vlog noong Linggo.
Pinag-usapan nina Andrea at Vice ang ginawang pagmo-move on ng aktres sa naging breakup niya kay Ricci.
“Gusto ko lang rin sabihin, kung hirap ka mag move-on, kailangan mo talaga isipin yung mga bagay na, ‘Talaga ba, iiyakan ko yung lalaki na hindi nagpapa-laundry ng isang taon?’ Ganon,” giit niya.
Ani Andrea, marami na raw siyang pinagdaanan sa buhay kaya’t wala na lang sa kanya ang maging heartbroken dahil sa isang lalaki lamang.
“There’s so much more to this life than just one boy.”
“Mare-realize mo talaga na hindi pala siya ganon ka-special, yung love ko yung nagpa-special ‘dun sa tao,” dagdag nito.
Payo ng aktres, isipin lahat ng bagay na nakaka-turn off sa naging karelasyon para mas mapadali ang pagmo-move on.