Kinontra ng mga betranong entertainment writers ang pahayag ni Dolly de Leon na parang nakikita niya ang isang batang Nora Aunor kay Kathryn Bernardo.
“Nag-iisa lang si Nora Aunor,” sabi ng The Diva That You Love Alwin Ignacio sa programang D’TT Show sa Dyaryo Tirada Facebook page at You Tube channel sa epeisode 6 nito sa Linggo alas-kuwatro ng hapon.
Para sa kanyang co-host na si Showbiz Ultimate Maldita Alex Brosas, taliwas sa mahusay na acting prowess ni Nora, si Kathryn aniya ay “monotonous” ang pag-arte.
Paano aniya maikukumpara ni Doplly si Kathryn kay Nora samantalang hindi naman sila nagsama sa alinmang proyekto.
Kasalukuyang ginagawa nina Dolly at Kathryn ang pelikulang” A Very Good Girl.”
Sari-saring pangliligwak pa ang ginawa ng tambalan nina Alex at Alwin at matutunghayan ito sa kabuuan ng kanilang programa.