Tugon ito ni dating Agriculture Secretary Manny Piñol sa panayam sa programa ni Ted Failon sa Radyo Singko kahapon kung may mangyayari kaya sa panawagang ibalik ang kapangyarihan sa National Food Authority (NFA) sa pag-regulate ng rice importation at panukalang amyendahan ang Rice Tariffication Law (RTL).
“I don’t think so. For as long a Cynthia Villar is the chairman of the Committee on Agriculture sa Senado, hindi lulusot yan. Hindi rin lulusot ‘yung pag amyenda ng RTL,” sabi ni Piñol.
“’Yan ang masakit na katotohanan, na for as long as nandyan sa Senado at Kongreso yung mga personalidad na may kapangyarihan at impluwensiya para pigilin yung pagbabago sa agrikultura dahil nakikinabang sila. Walang mangyayari sa agrikultura ng Pilipinas,” giit niya.
Napakalayo rin aniya sa katotohanan ang mga ipinangako ng mga kandidato noong nakaraang eleksyon na aasenso ang buhay ng mga magsasaka kapag sila’y nahalal.
“Pinababayaan ang bigas in the hands of the cartel, dictating the buying price of palay, and dictating the hoarding of rice its release to the market pati pricing, walang kontrol ang govt sa inspection pati sa warehouse,” anang dating agriculture secretary.
Taliwas aniya sa itinambol na benepisyo ng RTL na bababa ang halaga ng bigas, lalong nagmahal ang presyo nito.
“Nasaan na yung murang bigas? Nasaan na yung sinasabi nilang proteksyon sa magsasaka? At the rate ang nakikinabang yung mga importers. Tingnan ninyo kung sino ang malalaking importers, you will see familiar names , these are big names involved in politics and decision makers
So bakit nila babaguhin ang isang bagay na nakikinabang sila?”
Tutol rin siya na umaasa na ang bansa sa importasyo dahil sa geopolitics lalo na lapag nagkaroon ng gulo sa South China Sea.
“Kapag umasa tayo sa Thailand at Vietnam, papano kung magkagera sa South China Sea, saan dadaan yung mga barkong pupunta ng Pilipinas para mag-import ng bigas”” wika niya.
Isa pang ipinunto niya ay ang climate change na nararanasan sa buong mundo.
“Let’s maintain our rice sufficiency program at about 95-96%, at hindi bababa sa 95%. Pag nasa 85% nalang tayo, pag nagkaroon ng shortage ng supply ng bigas sa buong mundo, talagang mahihirapan kang makarecover.
“Right now, dahil sa El Niño, because of the threat of shortage of rice supply, medyo ginanahan yung ating mga farmers ngayon. Tumaas yung presyo. Ang posisyon ko dito ay dapat i-maintain yung sufficiency level so that comfortable tayo maski may climate change, disaster, magkaroon man ng El Niño sa Thailand o Vietnam, hindi tayo magpapanic.