Isang taon makalipas ang pakikipagdiborsyo sa dating
esposong si Tom Rodriguez, inamin ng aktres na si Carla Abella
na ayaw na niyang magpakasal muli.
Ngunit hindi naman niya tuluyang isinasara ang posibilidad
na pumasok sa bagong relasyon.
“Pero sa buhay, tingnan niyo na lang, nothing is certain.
Sinasabi nating ayaw o gusto natin, pero may mga bagay na
nangyayari na hindi natin inaasahan,” anang aktres sa press
conference ng PAWS.
“Di ko siya pipilitin, di ko siya hahanapin, pero kung
dumating, welcome siya sa akin. Ayoko din namang magmatigas,
ayoko din naman nun.”
“Pero sa ngayon, sarado na siya, pati pinto, pati windows,
pati bakod sarado,” giit niya.
“Of course, yung career ko, parang gusto kong ibuhos lahat
ng attention ko and time ko dun. Parang gusto kong buhayin,
bigyan ng buhay para sa career ko,” aniya pa.
Sakali aniyang may dumating na puwede niyang mahalin,
ang gusto niya ay isang taong “”honest, kind, and God-fearing.”