Nadagdag si Batangas Vice Gov. Mark Leviste sa listahan ng mga naging karelasyon ni Queen of All Media Kris Aquino.
Isinapubliko ni Kris sa mahabang mensahe sa Instagram ang pakikipaghiwalay sa kanyang nobyong bise gobernador kamakalawa ng gabi.
Hindi na ikinagulat ito ng netizens at ng beteranang showbiz host na si Cristy Fermin.
Sabi ni Cristy sa kanyang programang CristyFerMinute, inaasahan niyang hindi magtatagal ng kahit isang taon ang relasyong Kris-Mark.
Kabisado na kasi ni Cristy ang sistema nang pakikipagrelasyon ni Kris.
“Uuwing luhaan si Vice Governor,” aniya.
Sabi nga ng isang tagasubaybay ng kanyang show, hanggang simula lang lagi kung makipagrelasyon si Kris.
Ang payo naman ng ilang netizens, tutukan na lang ng Queen of All Media ang kanyang kalusugan dahil ang mga lalaki ay nasa tabi-tabi lang naman ngunit ang importante ay gumaling ang kanyang mga sakit.
Ikinatuwiran ni Kris na ayaw niyang maging pabigat sa political career ni Mark lalo na’t pabalik-balik ang bise-gobernador sa Amerika para sa kanya.
“You know how much I believe in you and the last thing I want is to be an obstacle in your career as a public servant . This isn’t just a line, you will always have a place in my heart,” bahagi ng IG post ni Kris.
Ngunit tila tanggap na ni Mark ang pagwawakas ng kanilang love story,, ibinahagi pa niya sa kanyang Instagram story ang IG post ni Kris at idinagdag ang kantang “Love Never Fails” nina Jim Brickman at Amy Sky bilang background music.
Isinama rin ni ang isang Bible verse tungkol sa pag-ibig mula sa First Epistle to the Corinthians (1 Corinthians), Chapter 13, Verses 4 – 8.
Habang sa Twitter ay ipinaskil ng politiko ang, “LOVE NEVER FAILS,” na may yellow heart emoji gaya ng ginamit ni Kris sa kanyang IG post.