Mas importante ang career sa lovelife.
Iyan ang na-realize ng singer at aktres na si Ataska Mercado makaraang mabigyan ng lead role sa Vivamax movie na “Bugaw.”
Nagmula raw sa heartbreak si Ataska habang ginagawa ang “Bugaw” pero hindi ito naging sagabal sa pagpupursige niyang pagbutihin ang kanyang acting.
“Na-realize ko na sobrang mahal ko ‘yong career ko kasi it’s my first time to be… magkaroon ng lead role in a film and the whole experience emphasized my love for film. Parang naisip ko, grabe parang ito ‘yong gusto kung gawin for the rest of life. Because of that experience, it made me love my career even more and want to work harder para ma-achieve ko ‘yong mga pangarap ko dito sa career ko,” sabi ni Ataska sa presscon ng pelikula.
Bagama’t mabigat ang kanyang role ay masaya naman siya sa kinalabasan nito at lalo siyang naging maligaya at may next project na siyang sinu-shoot after Bugaw.
Kasama ni Ataska sa “Bugaw” sina Jay Manalo, Alexa Ocampo, Mercado, at Clifford Pusing, sa direksyon Yam Laranas.