MUNTIK na palang maghiwalay ang talk show host na si Boy Abunda at longtime partner niyang si Bong Quintana dahil sa third party.
Sa programang D’TT Show ,Tarayan at Talakayan Showbiz Edition, inilahad ng isa sa host na si Showbiz Ultra Maldita Alex Brosas na na-inlababo si Quintana sa isang gay man noong siya’y nagtrabaho bilang flight steward.
Ikinuwento ni Brosas, na suportado ni Abunda pangarap noon ni Quintana na maging flight steward kaya’t pinag-aral niya ito.
Unang nakilala raw ni Quintana ang gay man habang siya’y nagsusunog ng kilay para maging flight steward pero wala pang relasyong nabuo sa kanilang dalawa.
Noong flight steward na raw si Quintana ay muling nagkrus daw ang kanilang landas ng gay man hanggang naging magdyowa sila.
Nabuko raw ni Abunda ang pagtataksil ni Quintana kaya’t pinahinto niya ito sa trabaho bilang flight steward.
Sinunod naman siya ni Quintana at nakipaghiwalay rin sa gay man.
Pag-ibig pa rin ang nanaig sa bandang huli, sabi nga ni Brosas, kaya’t hanggang ngayo’y magkasama pa rin sina Abunda at Quintana.
Mapapanood ang D’ TT Show tuwing alas-kuwatro ng hapon ,Sabado at Linggo sa Facebook page at You Tube channel ng Dyaryo Tirada.