Natagpuang inuuod at umaalingasaw ang bangkay ng isang stay-out kasambahay na isinilid sa isang drum sa bahay ng kanyang amo sa Cainta, Rizal.
Naiulat na nawawala ang biktimang si Maribel Bacsal nitong Huwebes nang hindi na makauwi sa kanila kinagabihan.
Ayon sa tiyahin ng biktima na kasama ring namamasukan si Maribel, nakita pa niya ang mga gamit nito nang siya’y pumasok noong Linggo.
Base sa report ng State of the Nation sa GMA7, parehong senior citizen ang mga amo ng biktima at napag-alamang bedridden at uugod-ugod na ang mag-asawa.
Matinding palaisipan pa kung sino ang pumatay sa biktima kaya’t patuloy parin ang imbestigasyon ng pulisya ukol dito.