NAPADPAD sa ika-anim na puwesto ang Philippine national women’s basketball team sa 2023 FIBA Women’s Asia Cup, ang kanilang pinakamahusay na pagtatapos sa Division A noong 2015, matapos bumagsak sa South Korea, 80-71, sa classification match kahapon sa Sydney.
Nanguna ang Koreans sa 11, 66-55, sa pagbubukas ng fourth period bago binawasan ng Gilas Pilipinas Women ang kanilang deficit sa lima, 76-71, may tatlong minuto na lang ang nalalabi.
Nanguna si Afril Bernardino sa Gilas Women na may 16 puntos habang sina Jack Animam at Khate Castillo ay may tig-12 puntos. Nalimitahan si Vanessa de Jesus sa limang puntos.
Samantala, may 24 points si Jihyun Park para sa Koreans.
Ang Pilipinas ay nagtapos sa ikapito sa kabuuan sa 2015, 2017, 2019, at 2021 na edisyon ng Women’s Asia Cup.