NASUNGKIT ni Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena ang bronze medal sa 2023 Ostrava Golden Spike sa Czech Republic.
Nakuha naman ni Olympic gold medalist Armand Duplantis ang unang puwesto sa itinalang 6.12 meters at pumangalawa si Kurtis Marschal ng Autralia.
Sa paskil niya sa social media, sinabi ni Obiena na mas lalo niyang pagbubutihin sa mga susunod na torneo.
Target niyang makapasok sa 2024 Paris Olympics na ang qualifications ay mag-uumpisa sa Sabado, Hulyo 1.
Upang tuluyang makarating sa Paris games, kailangan ni Obiena na magkaroon ng clearance ng 5.82 meters.