TUTULDUKAN na ni UFC veteran Stevie Ray ang kanyang career sa mixed martial arts matapos ang mahigit isang dekada.
Sinabi ni Ray, kuntento na siya sa 14-taong itinakbo ng kanyang karera at oras na para ipamana ang kanyang husay at karanasan sa mga nakababatang martial artists.
Nagsimula ang makulay na career niya noong Hunyo 27, 2010, bilang lightweight contender hanggang naging 2-time lightweight champion ng Cage Warriors.
Nagkaroon ng problema sa tuhod si Ray noong Oktubre 2019 pero mula magbalik sa MMA noong 2022, mas marami ang naitala niyang talo kaysa panalo.