WALANG pakialam ang Hollywood actress na si Halle Berry na
lumabas ng hubo’t hubad sa balkonahe upang tingnan ang mga nakamamanghang tanawin mula sa kanyang Malibu mansion habang nagpapahinga na may hawak na isang baso ng wine.
Sa kabila ng kawalan ng saplot, madiskarteng natakpan si Halle sa snapshot, na ang isang braso ay nakatapat sa kanyang dibdib at ang masalimuot na pattern ng patio ay masining na nakakubli sa kanyang kalahating bahagi.
“I do what i wanna do. happy Saturday,” caption ng aktres sa kanyang larawang ipinaskil sa Instagram.