TIYAK na makaka-relate ang ating overseas Filipino workers (OFWs) sa pagiging K-drama addict ni Bela Padilla sa pelikulang ‘Yung Libro Sa Napanood Ko’ ng Viva Films.
Mapapanood na sa darating na Huwebes, Hunyo 29, sa mga sinehan sa United Arab Emirates (UAE) ang naturang pelikula na isinulat, idinirek at pinagbibidahan ni Bela.
Maliban sa katambal ng Queen of Hearts ng Philippine Cinema ang Korean actor na si Yoo Min-gon, kasama rin sa movie sina Boboy Garovillo at may special participation sina Lorna Tolentino at Boy Abunda.
Isa ang pelikula sa mga lumahok sa Summer Metro Manila Film Festival noong nakalipas na Abril.