Makakasama na sa cast ng pelikulang “A Very Good Girl” nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon ang batikang aktres na si Angel Aquino at aktor na si Jake Ejercito, ayon sa ABS-CBN.
Pangunahing kasama rin sa dark comedy movie sina Donna Cariaga, Gillian Vicencio, Ana Abad Santos, Kaori Oinuma, Althea Ruedas, Nathania Guerrero, at Nour Hooshmand.
Nauna nang inihayag si Chie Filomeno bilang bahagi ng cast ng movie.
Ang “A Very Good Girl” ay sa direksyon ni Petersen Vargas at panulat ni Marionne Dominique Mancol, habang si Carmi Raymundo ang creative manager at si Daniel Saniana ang creative supervisor.
Dati nang inamin ni Kathryn na isang malaking karangalan para sa kanya ang makasama si Dolly sa isang pelikula.
“It such an honor because I will be working, she agreed to work with me, with the one and only Ms. Dolly de Leon. For sure marami akong matututunan sa kanya. I can’t wait to meet her again… What a great honor na gumawa at nabigyan niya ako ng oras,” aniya.