ABOT-KAMAY na ang pangarap ni Kai Sotto sa National Basketball Association matapos imakatanggap ng imbitasyon na maglaro para sa Orlando Magic sa NBA Summer League.
Maraming ulat ang nagsasabi na ang 7-foot-2 slotman ay makakasama sa aksyon ng Magic sa taunang preseason spectacle habang siya ay nag-bid na maging unang full-blooded Filipino na nakakuha ng roster spot sa NBA.
Bago maanyayahan ng Magic, nag-workout si Sotto kasama ang Utah Jazz, Dallas Mavericks at New York Knicks.
Sa Orlando, magkakaroon ng pagkakataon si Sotto na makipaglaro kina Anthony Black at Jett Howard, na kinuha ng Magic sa ikaanim at ika-11 na seleksyon sa NBA Draft noong Biyernes, gayundin ang mga beterano na sina Markelle Fultz, Wendell Carter, Goga Bitadze at Moritz Wagner at Bol Bol.
May tsansa rin siyang subukan ang kanyang husay laban kay 7-foot-4 Victor Wembanyama, na kinuha bilang top overall pick ng San Antonio Spurs.
Si Sotto ang pangalawang Pinoy basketball player na nakakuha ng imbitasyon sa Summer League, nauna sa kanya si Ray Parks na naglaro para sa Mavericks noong 2015.