EXCITED ang netizens malaman kung sino ang nagpapasaya ngayon kay beauty queen Maureen Wroblewitz.
Ibinahagi kasi ni Maureen sa Instagram ang kanyang larawan kasama ang isang lalaki na may caption:”happy birthday to the one that makes me feel like i’m the luckiest girl in the world. Not only because you are kind, patient, understanding with the most beautiful heart and soul but most importantly, because your gentle love teaches me how I can love myself more everyday (heart emoji).”
Hindi napigilan ng ilang netizens sa comment section na maging “adelantado” at tinagged pa ang social account ng isang Noah Steinbuch dahil ang hula nila, ito ang bagong dyowa ni Maureen.
Masaya ang fans ng beauty queen at nakita na naman nila ang matamis na ngiti ni Maureen.
Hunyo 2022 nang isapubliko nina Maureen at ng singer na si JK Labajo ang pagtatapos ng kanilang relasyon.