BIGLANG tumawag kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag para humingi ng payo.
Sina Bantag at dati niyang deputy sa Bucor na si Ricardo Zulueta ay wanted sa kasong pagpatay kina batikang broadcaster na si Percy Lapid at New Bilibid Prisons (NBP) inmate Jun Villamor at may patong sa ulo na tatlong milyong piso.
Ayon kay Duterte, ayaw pang sumuko ni Bantag at wala naman siyang magagawa sa desisyon nito.
Hindi umano alam ni Duterte ang kinaroroonan ni Bantag.
“I think he is just weighing his chances of getting a fair deal, once he finds out that he can be guaranteed to a talagang ironclad of preliminary investigation,” sabi ni Duterte sa panayam sa SMNI.
Matatandaan si Duterte ang nagtalaga kay Bantag bilang hepe ng Bucor noong 2019.