“This is It, Dabarkads” na ang working title ng noontime show nina Tito, Vic, and Joey sa Kapatid network, ayon sa Showbiz Now Na vlog ni Cristy Fermin sa You Tube kahapon.
Pansamantala lang naman ito habang nireresolba ang legal na aspeto ng titulong “Eat Bulaga” na ‘inaangkin’ ng mga Jalosjos ng TAPE Inc., dating producer ng longest running noontime show.
Kompiyansa naman si dating Senate President Tito Sotto na nasa panig nila ang batas at kasaysayan lalo na’t public knowledge naman aniya na si Joey de Leon ang nag-imbento nito.
“We definitely are working on the legal side na ‘Eat Bulaga.’ Si Joey nag-imbento nun,” sabi ni Sotto.
“History and the law back us up. Ganoon kasimple. It might take some time, but we will be able to use ‘Eat Bulaga.’ I’m sure of that,” dagdag niya.
“So whether ‘Eat Bulaga!’ or ‘E.A.T.’ which can stand for ‘Eto ang Totoo,; whatever name it is, kami ‘yun eh. Whatever it is, we will strive to have it continue even past gold, even past 50 years,” giit niya.
Pumirma ng investment deal ang TVJ Productions, ang kompanyang binuo nina Tito, Vic and Joey, sa grupong pinamumunuan ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan noong Martes para sa pag-ere ng kanilang noontime show sa TV5 simula Hulyo 1, 2023.