KINOMPIRMA ng content creator na si Zeinab Harake na magkarelasyon na sila ni Bobby Ray Parks Jr.
“Yes or no, is Bobby Ray Parks your boyfriend?” tanong ni Boy Abunda sa kanya sa programang Fast Talk with Boy Abunda.
“Yes, he’s my partner now. Natutuwa ako kasi parang hindi boyfriend ‘yung nakita ko and sana nga ‘wag mausog,” sagot ni Zeinab.
“‘Yun ang lagi kong sinasabi, sana huwag mausog. ‘Lord, ibigay Niyo na ito.’ Kasi he’s really a good man po,” dagdag niya.
Si Parks ay isang Filipino-American professional basketball player na bahagi ng Nagoya Diamond Dolphins sa Japanese B.League.
Say ni Zeinab, pinatunayan sa kanya ni Parks ang pagiging mabuting tao kaya ibinigay niya ang kanyang tiwala.
Bukod sa pagiging busy ng pamosong content creator sa kanyang anak sa ex- boyfriend niyang si Skusta Clee, at kanyang adopted son, abala rin siya sa acting workshop.