Inamin ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi na talagang may requirement siya sa kung ano ang nais niyang matanggap na engagement ring sa magiging mapalad na mapapangasawa niya.
Ayon sa aktres, hindi naman siya partikular sa laki ng bato ng iaalay sa kanyang singsing.
“Hindi ‘yong laki ang magma-matter, magma-matter kung saan galing—dapat sa Luna. Hahaha!” pabirong sabi ni Ivana.
Kung matatandaan, iniregalo ni Ivana sa kanyang sarili ang isang 8-carat diamond ring para sa kanyang 24th birthday last December 2020.
Ayon pa sa pahayag ng dalaga noon, hindi niya kailangang maghintay ng lalaking magbibigay sa kanya ng diamante. Kaya naman daw niyang bumili para sa sarili.
Sa ngayon ay busy ang dalaga lalo na at patuloy pa rin ang collaboration niya with LVNA by Drake Dustin, isang jewelry business na itinayo ng batang negosyanteng si Drake Dustin Ibay na may matinding passion sa mga crystals and gem stones, particularly diamonds.
Si Ivana ang unang celebrity endorser ng LVNA by Drake Dustin pero kahit endorser na nila si Ivana, bumibili pa rin si Ivana at hindi nagpapa-libre.
“Doon ko nakita ‘yong power ni Ivana,” nakangiting lahad ni Drake na noon ay katabi lang ng nahihiyang aktres.
Ibig sabihin ni Drake, malakas ang hatak ni Ivana lalo na daw a mga lalaking naghahanapo ng engagement rings.
Si Ivana ngayon ay may 16.6 million YouTube subscribers at hindi bumababa sa 1 million views ang bawat na content na nilalapag niya.
These days, mas nag-level up pa ang kanilang samahan dahil isa na rin si Ivana sa mga investors ng LVNA. She particularly owns its 9th branch, which is the Cebu branch.