Nagpahayag ng kanyang saloobin ang model at beauty queen na si Maggie Wilson para sa Father’s Day at ayon sa kanya, kailangan umanong maging magandang ehemplo sa mga batang lalaki ang kanilang ama.
Dagdag niya, para daw in the future ay maging responsable, tapat at mabuti silang partners sa kanilang mga esposa.
“So for Father’s Day, teach your sons how to be compassionate, respectful, honest, accountable, and kind,” sabi ni Maggie sa kanyang IG.
“Teach them how to communicate. Teach them to be real men so their future partners can feel safe. Raise them to be good and be someone they can be proud of,” dagdag niya.
Kung matatandaan, noong nakaraang Mother’s Day ay gumawa si Maggie ng video nila ng anak na si Connor Consunji.
Ipinakita niya ang ilang special moment nilang mag-ina noong nagkakasama pa sila sa Pilipinas at mga okasyong ipinagdiriwang nila.
Halos lampas isang taon nang hindi nakakausap ni Maggie ang anak na lalake matapos siyang tanggalan ng “access” ng estranged husband niyang si Victor Consunji, founder at CEO ng Victor Consunji Development Corporation o VCDC.
Nakiusap pa nga ang beauty queen sa lahat na ipaabot sa kanyang anak ang kanyang social media post.
“I have been blocked. I ask that if you see my son, tell him he is loved, and if you can, show him this video. I will be forever grateful if you could find in your hearts to do so,” saad ni Maggie sa naunang post.