Inamin ng aktres na si Julia Barretto na nais din siyang ang makapag-college din sana siya gaya ng kanyang mga kapatid at dagdag niya, gusto raw niya ngayong bumalik sa school at tapusin ang kanyang pag-aaral.
“I really want to go back to school. Gustong-gustong-gustong-gustong-gusto ko talagang mag-college. I really want to study. I think, ‘yan ang pinaka-gusto ko talagang gawin ngayon,” sabi ng dalaga.
Kaya naman nagpa-plano na daw siya kung paano niya isasakatuparan ito nang hindi nasa-sacrifice ang trabaho niya bilang artista.
“If makaka-find ako ng perfect way na mapagsabay ‘yong shooting at saka ng pag-aaral, ang perfect na talaga ng lahat. Thank You, Lord. Pero igo-goal ko talagang magawa ‘yan,” sabi ni Julia.
Nang matanong naman siya kung ano ang kurso na plano niyang kunin, meron daw siyang tatlong pinagpipilian.
“My course siguro…tatlo. It depends kung saan ako mag-e-end up mag-aral… Psychology, one. I want to take drama, and business. So, kung ano man ang perfect doon sa school na mag-e-end up ako, happy na ako. Hindi naman kailangang lahat ‘yon. Basta lang makapag-aral talaga,” sabi ng dalaga.
Sa ngayon ay wala pa umano siyang napipiling school pero kung puwede daw sana ay sa ibang bansa siya makapag-enroll.
“Sana hindi dito. Sana abroad. Maganda rin kasi na experience ‘yong college nang physical, ‘di ba? ‘Yong magkakaroon ka ng college friends, magkakaroon ka ng professor. ‘Yong ganu’n,” saad ni Julia.
Gusto rin daw kasi niyang maranasan ang mga naririnig niyang college stories from her siblings na sina Claudia at Leon.
“Ang saya pakinggan ng mga stories nila, ng mga kapatid ko. Si Claui, kaka-finish lang. [Grumaduate siya sa] Ateneo [de Manila University] last year. Si Leon, he’s [in his] third year. He’s taking up marketing…Business Marketing, parang ganu’n, sa UA&P [University of Asia and the Pacific]. Naririnig ko ‘yong college stories nila and I’m just dreaming of the day na ma-experience ko rin,” pagpapakatotoo ni Julia.
And now that she’s 26, plano daw niyang makabalik sa pag-aaral before she reaches the age of 30.
“Sana before mag-thirty ako. Kahit nga short course lang, e, happy na ako, e. ‘Yong three months lang,” sabi ng dalaga.