Binasag na rin ng aktres na si Maine Mendoza ang kanyang pananahimik kaugnay sa nangyaring resignation nila sa Eat Bulaga at paliwanag ng dalaga, hindi sila pinilit kundi ay kusang-loob daw ang pagsama ng mga hosts sa iconic trio ng noontime show na sina Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon (TVJ) sa paglipat sa TV5.
Kung matatandaan, nag-resign na rin sa TAPE, Inc. last May 31 sina Maine at mga kasamahan niyang sina Paolo Ballesteros, Ryzza Mae Dizon, Jose Manalo, Wally Bayola, Ryan Agoncillo, and Allan K.
Nag-viral pa sa social media ang photo ng resignation na pirmado nilang pito.
Kasunod ito sa ianunsyo ng TVJ na kumalas na sila sa TAPE, ang producer ng Eat Bulaga!, dahil sa irreconcilable issues sa pagitan nila at ng management sa pamumuno ng mga Jalosjos.
Ayon kay Maine, noon pa man ay loyal na raw sila sa original hosts ng Eat Bulaga! at mawawalan raw ng saysay ang pagho-host nila sa show kung hindi nila kasama ang tatlo.
“Ever since, one for all, all for one na kami. Parang para sa amin pointless kung wala ‘yong TVJ and then we will continue with the show. So, kung saan sila doon talaga kami,” sabi ni Maine.
Paglilinaw pa niya, wala umanong pumilit sa kanila na magpa-alam dinsa TAPE at sumama kina Tito, Vic, and Joey.
“They didn’t talk to us about it na, ‘Kung saan kami doon kayo.’ They didn’t force us at all. So, lahat kaming mga Dabarkads desisyon talaga namin ‘yon. We just want to clear out na wala sa amin ang pinilit,” dagdag pa niya.
Dahil mahal daw niya ang Eat Bulaga! at mga kasamahan, hindi niya raw kayang iwanan ang mga ito kahit na mag-settle down na sila ni Arjo Atayde.
“I really can’t imagine myself leaving the show and being out of the show. So, talagang kahit saan sila mapunta, as long as I can… definitely, as much as I can, I will stay in the show and with the show,” sabi ni Maine.