Aminado ang aktres na si Xyriel Manabat na talagang nais niyang sumikat sa showbiz industry, pero hindi bilang artista dahil gusto niya raw ay makilala at mapansin ang kanyang talento pagdating sa pag-arte.
Sa panayam ni Bernadette Sembrano para sa isang vlog, sinabi ni Xyriel na nais niyang maipakita sa mga tao ang kanyang kalidad bilang artista.
“Ayoko po ng actress lang by fame. Gusto ko pong actress dahil sa line of work, sa craft and sa performance ko po. Ayoko po namane-name lang ako na actress dahil lang sa kasikatan kaya ako actress. Gusto ko po ay by the way I act kaya ko po ako naging artista talaga,” sabi ni Xyriel.
Kasunod niyan ay ibinahagi din ni Xyriel ang ilan sa mga nais pa niyang matutunan patungkol sa kanyang passion sa trabaho at buhay.
“Sa pag-arte, siguro po huwag ma-drain. ‘Yun po ang isa kong kailangan ma-master,” saad ng dalaga. “Huwag magpatalo sa story, huwag akong magpapakain sa role, kailangang mas angat at mas kontrolado ko ‘yung role. Hindi ako ‘yung kokontrolin ng role,” sabi ni Xyriel.
“Sa life naman po siguro stability. Gusto ko po maging financial, mentally, physically stable,” dagdag niya.