Kinumpirma na nitong nakaraan ng Viva Incorporated president at CEO na si Vincent del Rosario III na tinanggap na ni Julia Barretto ang proyektong tinanggihan umano ng aktres na si Bea Alonzo.
Ang proyekto ay ang pelikula ng Pambansang Bae na si Alden Richards, ang Pinoy adaptation ng hit Korean movie na “A Moment To Remember.”
Ang working title nito ay ang “Special Memory” and supposedly ang magiging leading lady ni Alden dito ay si Bea pero kamakailan lamang ay nagsabi na ang aktres na hindi na niya ito magagawa due to some personal reasons.
Ayon kay Boss Vincent, pumayag na si Julia na gawin ang naturang pelikula.
“Dating Alden-Bea, tapos nag-issue na naman kami ng statement (VIVA) and GMA na magpapahinga ata muna si Bea. So, si Julia na,” sabi ni Vincent. “Ito ‘yung remake ng isang hit Korean movie (A Moment To Remember) local version.”
Next month na magsisimula ang shooting nina Alden at Julia para sa “A Special Memory” na ididirek ni Nuel Naval, ang direktor ng 2019 Metro Manila Film Festival entry na “Miracle in Cell No.7” na umani ng parangal sa iba’t ibang award-giving bodies.
Balitang natapos na ni Alden ang shooting para sa pelikulang “Five Break-Ups and A Romance” kung saan kasama naman niya si Julia Montes. Kaya naman after this, segue na agad siya sa project nila ni Julia.