Halos walang kahirap-hirap na nakopo ng Denver Nuggets ang unang NBA Finals slot makaraang ma-sweep nito ang Los Angeles Lakers at para sa ilan ay parang naging suwabe ang daan nila tungo sa kanilang first appearance sa prestihiyosong finals.
Kung matatandaan, wagi sa huling anim na laro ang top seed Nuggets, 12-3 sa playoffs kasama ang sweep sa Lakers sa West finals matapos kalusin ang Minnesota sa first at Phoenix sa second round.
Ang Heat, dumaan sa dalawang laro sa play-in, itinumba ang No. 1 Milwaukee sa first round, New York sa semis bago ang Boston sa pitong laro sa East finals na natapos lang nitong Lunes.
Ang two-time MVP ng Denver na si Nikola Jokic, nag-average ng triple-double kontra Suns at Lakers.
Papasok ng Finals, nag-average siya ng 29.9 points, 13.3 rebounds, 10.3 assists.
Isa sa signature moves ng Serb nitong huling yugto ng playoffs ang pagtuturo sa kanyang ring finger habang nakatingin sa pamilya.
Apat na panalo na lang ang naghihiwalay kay Jokic at sa NBA ring.
“Nikola is still a humble, selfless person and he cares about home, he cares about family, he cares about his horses – the guy is just who he is,” pagmamalaki ni Denver coach Michael Malone.
Sa ibang balita sa NBA, nakatakda nang lumipat si Coach Monty Williams sa Detroit Pistons at ang kontrata niya sa koponan ay tatagal ng anim na taon.
“Monty Williams and the Detroit Pistons have agreed in principle on a six-year, $72 million deal for Williams to become the franchise’s new head coach,” ayon kay Shams Charania ng The Athletic at Stadium.
Posible pa umanong umabot sa walong taon ang kontrata ni Williams.
“Monty Williams’ Pistons deal could reach eight years and $100M based on team options and incentives,”
Si Williams ang dating coach ng Phoenix Suns.
Samantala, matapos bumaba sa pwesto bilang president at general manager ng Golden State Warriors, namaalam na ang koponan kay Bob Myers at sa isang Tweet ay nagpaabot ang Warriors ng kanilang mensahe para kay Myers.
“After 11 seasons, Bob Myers will step down from his role as President of Basketball Operations / General Manager at the conclusion of his contract. Thank you for everything, Bob,” saad ng Tweet.
Sa loob ng 11 na season ni Myers bilang general manager ng koponan, nakapasok ito sa anim na NBA Finals.
Noong 2011, naupo bilang assistant general manager si Myers at sa sumunod na taon lang ay na-promote na kaagad ito na general manager.