Talagang palaban pala ang sexy actress na si Julia Victoria sa pinakabagong offering ng Vivamax na “Kabayo” lalo na sa mga sizzling at sex scenes sa pelikula.
Nagsimula na ang streaming ng “Kabayo” sa Vivamax noong May 26 at ayon sa talent manager at producer ng pelikula na si Lito de Guzman, ito na ang “pinakaseksi at pinakamapangahas” na pelikula na mapapanood sa Vivamax.
Ang pelikula ay tungkol kay Conrad, ang lalakeng “workhorse” sa opisina dahil sa santambak na trabaho na ibinibigay sa kanya. Pag-uwi sa bahay, pinapagod pa siya ng asawa niya sa kama.
Ang Pinoy Big Brother Season 1 alumnus na si Rico Barrera ang bida sa Kabayo. Si Julia naman ang gumanap bilang kanyang asawa.
“Ito na yata ang pinakamapangahas na bold movie ng Vivamax, basta sobra talaga. Itinodo ko na,” sabi ni Lito.
“Si Rico ang kinuha naming bida ng Kabayo dahil kailangan ng isang mature character na kayang-kayang maghubad. Maraming sex scenes ang pelikula. Maraming threesome scenes. Si Rico, noong una, naglalagay pa ng plaster. Pero nang magkapalagayan na sila ni Julia ng loob, hindi na siya gumagamit ng plaster dahil nasasaktan siya. Mabuhok kasi si Rico,” dagdag pa niya.
Maligayang-maligaya si Lito dahil sa wakas, mapapanood na ang “experimental project” nila.
“The shooting was so smooth,” pagpapatuloy ng kuwento ni Lito tungkol sa pagsasapelikula ng Kabayo.
“Parang naglalaro lang kaming lahat sa set. Namalayan na lang namin na tapos na ang shooting. Very cooperative kasi lahat. Ang sarap ng pakiramdam na maipalalabas na ang Kabayo sa Vivamax,” sabi pa ni Lito.