Matapos umamin ni reigning Miss Universe Philippines Michelle Dee na isa siyang bisexual, maraming mga netizens ngayon ang nang-iintriga sa dalaga kung ano nga ba talaga ang relasyon niya sa aktres na si Rhian Ramos.
Super close kasi talaga ang dalawa lalo na at housemates pa sila.
Nitong nakaraan ay may lumabas na TikTok video ng dalaga na may kantang “I’m coming out” at makikitang present rin sa video ang Kapuso actress, kaya naman hindi mapigilan ng mga netizens ang pagtambalin sina Rhian at Michelle at i-ship sa isa’t isa.
“Ano po tlaga yung inaamin dito? Charizzz. Love you both (heart and rainbow emoji),” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Huuuuy. ginalaw na ba ni Rhian at Michelle ang baso?”
Sey naman ng isa, “OMGGG?! DID THEY JUST DO A HARD HARD LAUNCH?!”
“Umamin na. What if kayo na lang?” dagdag naman ng isa.
Kamakailan lang nang aminin ni Michelle na isa siyang proud member ng LGBTQIA+ community dahil isa siyang bisexual sa naging panayam niya sa Mega Magazine kung saan siya ang cover.
“I definitely identify myself as bisexual. I’ve identified with that for as long as I can remember. I’m attracted to all forms of beauty, all shapes and sizes,” saad ni Michelle.
At isa nga ang kanyang bestfriend na si Rhian sa mga taong nagpahayag ng pagka-proud sa pag-amin ng Miss Universe Philippines 2023 winner.
Ipinakita nito ang kanyang suporta kay Michelle nang ibahagi niya ang magazine cover ng huli na may caption na “We love who you are. We love you bb.”
Matatandaang last year lang nang ibahagi nina Michelle at Rhian na magkasama na silang nakatira sa isang bahay na malapit lang sa bahay ng isa pa nilang kaibigan na si Max Collins.