Aminado ang aktres at singer na si Jayda Avanzado na talagang thankful siya sa first acting series niyang “Teen Clash” kahit hindi pa nagsisink-in sa kanya na nagtapos na ang serye.
“It’s a very surreal feeling na ngayon pa lang nagsi-sink in na talagang patapos na ‘yung ‘Teen Clash’,” sabi ni Jayda. “Pero ang masasabi ko, ‘yung takeaway ko sa project na ito ay all these memories and learnings that I am forever grateful for. I’ll carry this for the rest of my career.”
And since she’s parting ways with her Zoe character, natanong si Jayda kung ano ang mami-miss niya sa kanyang first TV role.
“Mami-miss ko ‘yung pagiging palaban niya. Mami-miss ko ‘yung mga hirit niya, kung gaano siya ka-outspoken. I think that’s something that gusto kong itawid sa sarili kong buhay. Na ma-instill ko din sa sarili ko na ‘wag kang matakot to speak your mind and to be your own person. That’s something I’ve learned from Zoey and sana din lahat ng mga viewers ay maka-relate sila and ma-carry nila ‘yung sa mga sarili nilang buhay,” sabi ng dalaga.
“Ang gusto ko sa show na ito is that they gave the freedom not just for my character but for everyone’s to express ourselves and give our own interpretation with our characters. Sobrang collaborative nila,” dagdag niya.
Sobrang proud si Jayda sa kanyang first TV series na pinagbidahan with Aljon Mendoza and Markus Patterson.
“I just feel so proud that my first acting project is something that gusto ko talaga ‘yung project, gusto ko talaga ‘yung characters,” sabi ni Jayda. “Sobrang nagpapasalamat din ako sa cast, sa prod dahil inalagaan ninyo kaming lahat and with the bond that we’ve managed to form. Naniniwala ako na it’s a nice feeling na lahat ng nakatrabaho ko dito sa project nandito, hindi ito pang taping friends lang. We went through so much together. We’ve launched, we’ve cried together, napuyat kami together. We’ve felt all sorts of emotions together and nothing can ever change that.”