Talagang busy pa rin pala ang aktres na si Kris Bernal kahit buntis ito, lalo ngayong nakabakasyon siya ay nagdiriwang ng kanyang 34th birthday at ayon sa kanya ay naging “productive” siya sa kanyang special day.
Nasa Seoul, South Korea ang aktres kasama ang kanyang asawa na si Perry Choi, at iba pang miyembro ng pamilya.
“I had a productive and significant birthday. Being a ‘mom in waiting,’ priorities and celebrations are different,” saad ni Kris sa kanyang IG at dagdag niya, imbes na magpahinga ay nakipagpulong pa siya sa isang makeup supplier at nag-shopping.
“I didn’t get any extravagant gifts other than a birthday cake, some delicious food, quality time, and honestly I wouldn’t want to spend it any other way. Thank you to my husband, mother-in-law, friend @chanyun, and family for celebrating my birthday exactly the way I wanted to! [heart emoji],” sabi ni Kris.
Bukod sa pamilya, pinasalamatan niya rin ang lahat ng mga bumati sa kanyang 34th birthday.
“And yet another birthday has passed, thank you to all who remembered and took time to greet me [folded hands emoji],” sabi ni Kris.
Sa isa pang IG post ay ipinakita ni Kris ang kanyang baby bump at ayon sa kanya, ito ang pinakamalaking biyaya na natanggap niya sa kanyang buhay.