Hindi na naitago ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanyang pagiging sweet sa kanyang soon-to-be husband na si Sam Milby dahil talaga namang nakaka-langgam sa tamis ang kanyang naging mensahe para sa birthday ng kanyang fiancé.
Kahit maikli ay puno ng pagmamahal ang mensahe ng dalaga sa aktor at sa kanyang IG ay ibinahagi niya ang sweet photo nila ni Sam kalakip ang kanyang birthday greeting.
“Another year older, but you seem to be getting younger?! I know you hate celebrating your birthday, but I love celebrating you,” saad ni Catriona. “Happiest birthday @samuelmilby I love you so much!”
Marami naman sa mga supporters nina Catriona at Sam ang talagang kinilig sa “ayuda” ng beauty queen.
Matatandaang nitong February nang ianunsyo nina Catriona at Sam ang kanilang engagement at sa isa sa mga vlogs ng celebrity doctor na si Vicki Belo ay tila nagpahaging ito na magaganap na ang kanilang pag-iisang dibdib next year.