Nagpasabog ng matinding init ang aktres na si Kathryn Bernardo sa kanyang bagong pictorial at ipinakita ito ng dalaga sa pamamagitan ng isang short video clip ng ginawa niyang latest pictorial kung saan nag-uumapaw ang kanyang kagandahan at kaseksihan.
Ang nasabing video ay makikita sa Instagram account ng stylist na si Boop Yap, na kuha raw sa photoshoot para sa isang jewelry brand.
Medyo daring at palabang Kathryn ang masasaksihan sa video, lalo na ang kanyang pa-cleavage sa kanyang sexy OOTD na talaga namang ikina-shock ng ilan niyang tagasuporta.
Tanong nga ng ilang netizens, nagpaalam kaya si Kath sa kanyang boyfriend na si Daniel Padilla bago niya gawin ang sexy pictorial? Aprubado nga kaya ito ni DJ o matagal na nila itong napag-usapan.
Well, wala namang masama o offensive sa ginawang pictorial ni Kathryn. Sa katunayan mas lumabas at lumantad pa ang kanyang classic beauty sa nasabing pictorial, patunay na kering-keri niyang magpaka-wholesome at magpakaseksi.