Nag-celebrate ang real life celebrity couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto ng kanilang 6th anniversary at talaga namang nagpakilig ang dalawa sa kanilang mga fans.
Sa kanilang mga social media accounts, nagpalitan ang dalawa ng mga sweet messages kasama ang ilang mga larawan na nagpapakitang nagkaroon sila ng intimate dinner sa isang restaurant upang magdiwang.
Sa IG post ni Barbie ay lubos ang papuri niya kay Jak dahil sa walang katumbas na pagmamahal na ibinibigay sa kanya.
“You are the most understanding, patient and supportive man any woman could ask for,” sabi ni Barbie sa post. “I don’t know how you do it but thank you so much for loving me the way you do. Greatest reality.”
“Dito lang din ako para sayo, mahal ko. We got this. 11:11 Happy 6th. I love you so much,” dagdag ng dalaga.
Nagpost rin sa IG si Jak at nagpaabot ng pasasalamat para sa girlfriend dahil bilib siya sa effort na ginagawa ni Barbie upang mabalanse ang mga responsibilidad sa buhay.
“Happy 6th Anniversary Madam! Gusto ko lang magpasalamat sayo sa lahat ng effort mo na mai-balance ang lahat… sa Career, sa Love, sa Family at sa lahat ng responsibilidad mo sa buhay,” sa kanyang caption.
Kwento pa niya, “Masaya ko kapag nakakapag quality time tayo after ng trabaho dahil nakikita kong sulit na sulit sayo ‘yun, nakikita ko kung gaano ka kasaya pag nakakapagbakasyon tayo and I’m so proud of you Mahal ko!”
“Congratulations sa lahat ng success mo! Kahit ano man ang sabihin at isipin ng iba! Nandito parin ako, susuporta at mamahalin ka palagi! Mahal na mahal po kita [red heart emojis],” sabi pa ng aktor.
Matatandaang taong 2017 pa nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon.