Trending ngayon ang social media influencer na si Sachzna Laparan matapos makipagsagutan kay Veybillyn Gorens na live-in partner ng dati niyang ka-loveteam na social media personality na si Jomar Lovena.
Nagsimula raw ang awayan ng dalawa nang mag-message si Veybillyn kay Sachzna ng larawan nilang magkasama ni Jomar sabay hirit ng “Di kayo marunong rumespeto? HAHAHAHAHA.”
Dito na nga nagsimula ang sagutan ng dalawa kung saan nagkalabasan sila ng mga paratang na wala namang mga patunay kung totoo nga ba.
“Sayang ganda mo bhieee kung kumakabit ka lang huhu,” post ni Veybillyn na bagamat walang pangalan ay pinaniniwalaang si Sachzna ang tinutukoy.
Nag-post rin naman ang dalaga sa kanyang Facebook page at sinabing “MAMA MO TH.”
Clue pa ni Sachzna, dating fan ng team josa (loveteam nila ni Jomar) na ngayon raw ay hater na.
Matatandaang sinabi noon ni Veybillyn na fan siya ng tambalang JoSa bago pa man sila maging magkarelasyon ni Jomar.
May mga ibinahaging screenshot naman si Veybillyn kung saan tinatanong niya si Jomar kung pinagselosan nga ba niya si Sachzna.
“Mahiya ka te, never kang pinagselosan,” sabi ni Sachzna.
Bwelta naman ng controversial social media personality, “Luh? Kaya pala panay tanong ka kung totoo yung samin ni Jomar kada nag vvlog kami.”
Giit pa ni Veybillyn kay Sachzna, “Mhie samin ka ba nangabit or sa asawa bg… HAGAHAHAHAH KATAWA KARESPETO LANG PO HINIHINGI KO SAYO nung times na di kami okay ni jomar natamaab ka agad sa post ko.”
Sa ngayon ay burado na parehas ang mga patama ng dalawa sa isa’t isa ngunit mabilis ang mga netizens at agad na nakapag-screenshot sa ga ganap sa pagitan nina Veybillyn at Sachzna.