Hindi matatawaran ang ginagawang pagbabantay ng ating Philippine Navy sa mga karagatan na sakop ng ating bansa at talaga namang nakakabilib ang ginagawa nilang serbisyo para sa bayan.
Kaya naman sa nalalapit na pagdiriwang nito ng ika-125 taon, tiniyak ng Philippine Navy na mas may kakayahan na itong bantayan at ipagtanggol ang teritoryo ng bansa at ayon kay Philippine Navy Deputy Commander Roy Vincent Trinidad, marami na ang nadagdag sa mga kagamitan ng navy sa mga nagdaang taon.
“The Philippine Navy has already received a lot of capabilities over the years. We are now entering the missile age or the missile capability stage compared to a few years back wherein we were manning and operating ships that were World War 2 vintage, Vietnam war vintage,” sabi ni Trinidad.
“The Philippine fleet is proud to tell the Filipino people, maraming salamat sa tuluyang pagsuporta ninyo, your Philippine fleet is now more capable of providing capabilities that would ensure the national territory is secured, our sovereignty is secured, the Filipino people is taken care of,” dagdag pa niya.
Sabi pa ni Trinidad, mas mapapalakas pa umano ang kakayahan ng Philippine Navy sa mga susunod na taon dahil sa paparating na mga bagong barko kabilang ang dalawa pang fast attack interdiction craft mula Israel.
“On the Navy anniversary will be the commissioning of another 2 brand new fast attack interdiction craft. Israeli made ito na missile boats and these are the simple capabilities that we would like to highlight to the Filipino people,” saad ni Trinidad.
Ide-decommission na rin umano ang mga legacy ships o mga lumang barko na mula pa noong World War 2 at Vietnam War.
Kabilang din sa mga paparating na barko ang dalawang Corvette na gawa ng Hyundai Heavy Industries mula South Korea.
Nakatitiyak tayo na ngayong nagmomodernisa na rin ang ating Philippine Navy, mababantayan ng maayos ang ating mga karagatan.