Aminado ang aktres na si Jessy Mendiola na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ilang buwan na siyang isang ganap na ina at sa kanyang IG nga ay ibinahagi ng aktres ang naging journey niya sa pagiging nanay.
Inalala rin niya ang mga naging hamon mula nang isinilang ang anak nila ni Luis Manzano na si Baby Rosie.
“Felt emotional while I was editing this reel [face holding back tears emoji] I can’t believe it’s almost been 5 months since I gave birth,” sabi ni Jessy sa caption. “Motherhood is a very challenging journey, being a first-time mom has its own ups and downs but I’m very grateful where I am right now.”
Dagdag pa niya, sumagi raw minsan sa kanyang isip kung kaya niyang maging isang ina at aminado siya na nag-alala siya ‘nung una, pero noong isinilang na niya si Baby Rosie ay natural na raw na kinaya niya ang lahat.
“I remember being so anxious and worried while I was pregnant. I would always doubt myself, if I could handle being a mom,” sabi ni Jessy. “It’s true though, once your little blessing comes out.. you just have to start navigating through everything. There is no right or wrong way. Some say it’ll come naturally, some say it won’t. Either way, it’s okay.”
“You are human and sometimes it’s hard to transition to being how you used to be and being a new mother,” dagdag niya.
Paalala pa niya sa mga first time mom na katulad niya, tanggapin ang bagong journey at buhay bilang isang ina.
“Remind yourself that this season is a rebirth of your new life. A beginning of a great journey with your little one,” sabi ng aktres. “I know it’s harder than it seems but you’ll get there. Take your time to embrace this change. This new YOU.”
“So give yourself a TIGHT hug, and tell yourself that you are doing GREAT. Happy Mother’s Day, Momma! YOU are AMAZING, keep going [red heart emoji],” dagdag pa niya.