Aminado ang aktres na si Alexa Ilacad na natupad na ang isa kanyang “biggest dreams” — ang makita sa personal ang bandang “My Chemical Romance” kaya naman talagang ibang klaseng emosyon ang kanyang nadama.
Sa kanyang IG, makikita na naiyak sa tuwa si Alexa nang makadalo siya sa concert ng nasabing banda sa Japan at ayon sa dalaga ay hindi siya makapaniwala na darating ito sa kanyang buhay.
“I never thought this day would come.. One of my biggest dreams just came true
— I FINALLY SAW MY CHEMICAL ROMANCE LIVE (crying face, black heart emojis),” sabi ni Alexa sa kanyang caption. “Best day of my life!!!!!!!!! I don’t think I will ever move on from this experience.”
Inamin din ng aktres na ang mga kanta ng rock band ay naging parte rin ng kanyang buhay.
“Thank you, @mychemicalromance, for being my safe haven growing up,” saad niya sa IG caption. “There is a tender space in my heart that is and always will be, occupied by you and your music.”
“Hugs to my 6 year old self because our biggest wish has turned into a reality,” dagdag pa ni Alexa.
Maraming fans naman ang tuwang-tuwa sa naging achievement ni Alexa.