Naglabas ng saloobin ang aktres na si Xyriel Manabat kaugnay sa pagiging “confident”, “beautiful” at “sexy” makaraang naging tampok siya sa mga umano’y mga bastos sa social media.
Ayon sa dalaga, wala sa panlabas na anyo o itsura ang pagiging maganda at sexy, yan ay nasa pagkakaroon ng self-confidence at tamang pagmamahal at pagrespeto sa sarili.
“Inspiring others to be confident in their own skin. Kasi po I believe na hindi po siya dapat ikinakahiya or ikinaka-sorry and mas lalong hindi siya dapat ikinaka-settle lang,” saad ni Xyriel.
“Our body is never less. Our body should be celebrated, respected and defended. We should not justify someone na magtangka na mag-disrespect ng body natin in any way,” dagdag niya.
Sinabi pa ng dalaga na dapat lahat ng tao ay maging confident sa kanilang katawan at huwag na huwag magpapadikta sa mga sinasabi ng iba.
Samantala, sinabi naman ni former “Pinoy Big Brother” housemate Anji Salvacion na napakalaki ng impluwensya ng social media sa pagpapalaganap ng tunay na kahulugan at kahalagahan ng “beauty and body image.”
“There is really a positive and a bad impact on it. Sometimes, people would develop these unrealistic standards of beauty out there. At the end of the day, what makes us sexy, or what makes us beautiful is our root, our core. That’s our beauty out there. That defines sexy for me,” mariing sabi ng singer-actress.
Payo pa niya sa lahat ng nakakaramdam ng insecurity at panliliit sa sarili, “To all people out there, just embrace yourself especially your roots. Kasi kung anong meron ka sa loob – mapalabas man or mapaloob or mapamukha, sexy ka at maganda ka.”