Abot-langit ang pasasalamat ng aktres na si Lovi Poe sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng hit TV series na “Batang Quiapo” na pinagbibidahan nila ni Coco Martin.
Ayon sa dalaga, masaya siyang maging bahagi ng hit TV series.
“Nagpapasalamat ako just to be part and sitting next this amazing cast. Sobrang grateful talaga ako. Alam mo ba kung gaano ka-intimidating to be doing scenes kapag first time ko sila makaka-work? The last scene that we did, sabi ko, ‘My God, kinakabahan na naman ako,’” saad ni Lovi.
“Parang first day ko ulit kasi for the first time kaming lahat magkakasama, kami nina Ma’am Charo (Santos), everybody, ‘yung lahat tayo. So grateful talaga ako to be given the opportunity. And Coco, salamat at inilabas mo ang different side ko. Inilabas mo ang Mokang side ko. Kasi lagi niyang sinasabi, nu’ng first day namin tinuturuan niya ako,” sabi pa niya.
“Sabi niya, ‘Lovi, hindi ganyan.’ Sabi niya, ‘Sosyal ka pa rin sa paningin ko. Kailangan nating tanggalin ‘yan.’ Sabi ko, ‘Paano?’ ‘Gawin mo ito, ‘yung stance ko, ganito-ganyan.’ So salamat ginawa mo, binuo mo si Mokang. Maraming salamat, thankful talaga ako,” dagdag ng dalaga.
Nitong nakaraan ay spotted ang dalaga habang nangangabayo sa isang lugar sa Subic Bay at mukhang kinarir daw talaga ng aktres at singer ang pangangabayo dahil talagang kuhang-kuha nito ang porma ng mga sumasakay at nagpapatakbo ng mga kabayo.
Pero hindi nga raw ito para sa “Batang Quiapo” kundi para yun sa pictorial at video shoot ni Lovi for her latest endorsement, ang Eevor Skin Care Depot o SCD.
Isa si Lovi sa mga mabentang product endorser at celebrity ambassador ngayon dahil talagang sunud-sunod ang pagkuha sa kanya ng mga kumpanyang naniniwala sa kanyang powers bilang influencer.