Nitong nakaraan ay nagtungo sa Europe ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi at talaga namang nag-enjoy ang dalaga lalo na nang makita na umano niya ang kanyang “future husband.”
Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ng dalaga kung saan sila nag-shopping kasama ang kanyang ina at bunsong kapatid na si Mona at sa bandang dulo ng video kung saan ang plano lang sana nila Ivana ay kumuha ng mga larawan bilang memories ng kanilang trip sa Europe ay tila may nakabihag ng atensyon ng dalaga.
“May nakita ako sobrang gwapo. Ay dzaii, mukhang nagtatrabaho sa VCA (Van Cleef & Arpels, isang luxury jewelry brand). Bibili talaga ako sa VCA. Ang gwapo,” todo ngiti at kinikilig pang sabi ng dalaga.
Bigla ngang tinanong si Ivana ng kapatid nitong si Mona kung hinahabol ba nito yung poging lalaki.
“Nahanap ko na ‘yung asawa ko. Brad Pitt halika na. Ang gwapo. Sh*t. Gusto kong bumili ng VCA,” saad ni Ivana habang nililingon sa kanyang likuran ang gwapong doorman.
Dagdag pa ng dalaga, mukhang mapapabili siya ng alahas nang wala sa oras upang makalapit sa lalaki
Suportado naman nina Mona at Mama Alawi ang pagkakaroon ng crush ng dalaga at nauna pa nga ang kanyang ina na lumapit sa luxury store.
“Yung asawa ko nananawagan ako. Pakasal na tayo. Ang gwapi tapos nakatayo lang sa labas. Diyos ko ‘yung mga French dito ang gagwapo,” nakangiting sey ni Ivana.
Tila kinikilig pa nga ito nang sabihin ni Mona na nakatingin ang lalaki sa kanya habang naglalakad siya.
“Gusto mo sumilip na tayo? Bibili na lang ako dyan?” sabi ni Ivana na suportado naman ni Mama Alawi.
Dagdag pa niya, “Ang mahal ng kwintas dyan pero for you, dahil gwapo ka, SOLD.”
Nang makalapit ay tinawag pa nga ni Ivana na “mahal ko” ang lalaki.
Tuluyan na ngang pumasok ang dalaga sa loob ng store para bumili ng kwintas ngunit bukod rito ay matagal na raw niyang gustong bumili ng kwintas mula rito.
“Gano’n po ako rito kasi hindi naman nila ako kilala. So malakas ang loob kong lumandi…” sabi ni Ivana.