Mukhang madali lamang sa aktres na si Elisse Joson na pagsabayin ang pagtatrabaho bilang artista at ang pagiging celebrity mommy at ayon sa aktres, talagang ipinagpapasalamat niya hindi lang sa kanyang partner na si McCoy de Leon, kundi pati na rin sa kanilang mga kapamilya na todo ang suporta sa kanila, lalo na pagdating sa anak niyang si Felize.
“McCoy is there, the dad is there, and our families are there to, kunwari busy ako at busy siya, nandiyan ‘yung families namin para kay Felize so ‘yun ‘yung maganda,” sabi ni Elisse.
Kaya naman wala siyang masyadong problema o issue sa pagiging working mom, lalo na ngayong medyo nagsusunud-sunod ang kanyang mga projects sa ABS-CBN at Star Magic.
Ayon kay Elisse, challenging din talaga ang maging ina na isang matatawag na learning process para sa tulad niyang first-time nanay.
“Motherhood naman kasi hindi naman ‘yan isang snap you’ll be like a wonderful mother. Parang for me, what’s good about it is everyday I learn something new kung ano ‘yung magwo-work sa akin at kay Felize. I also learn to not be too hard on myself kapag iba ‘yung nakikita kong pamamaraan ng ibang nanay sa kung paano ko ginagawa,” saad ng aktres.
“Motherhood is different for everybody and right now I’m enjoying it, especially now that she’s 2, ‘yun ‘yung stage na sweet sila. Nasa mommy phase siya na puro mommy ang tinatawag niya, I’m enjoying that and ‘yung sa work naman,” dagdag niya.
Super thankful and grateful din siya sa ABS-CBN dahil kahit medyo matagal siyang nawala sa eksena ay binigyan pa rin siya ng another chance para ipagpatuloy ang kanyang passion sa larangan ng acting.