Nagpaalala si Miss Universe 2010 4th runner-up na si Venus Raj sa mga netizens ngayong nagsisimula na naman ang pageant season at ayon sa kanya, iwasan na dapat ang pamba-bash sa mga kandidata.
Ayon sa dalaga, minsan umano ay ang pagkakaroon ng determinasyon na manalo ay nauuwi sa “toxic” na pag-uusap online at nagbibigay rin ng matinding “pressure” sa beauty queens.
Sa kanyang podcast, inihayag ng isang letter-sender ang kanyang pangarap na maging isang beauty queen at humingi siya ng payo sa dating beauty queen dahil nahihirapan daw siya na mapahalagahan ang sarili, lalo na’t nakakaramdam siya ng pressure tuwing sasali sa pageants.
“Sa lahat ho sa atin na mga supporters ng beauty pageants, please take it easy on the girls. Take it easy on the girls,” saad ni Venus. “Yes we’ve earned the sash factor, we’ve become a powerhouse so to speak, but let’s be kinder.”
“It’s a tough competition and there’s just one crown, but allow the girls to celebrate their uniqueness,” dagdag niya.
“Alam n’yo ‘yung mga babae minsan hindi na ho nila na-eenjoy ‘yung journey nila kasi dahil doon sa pressure na naka-atang sa kanila. So hindi na nila masyado nila na-eenjoy ‘yung journey nila. Allow them to enjoy the journey,” sabi pa ni Venus.
Ang pamba-bash daw sa mga beauty queen ay hindi nakakatulong sa adhikain ng pageants na nagbibigay ng inspirasyon sa maraming kababaihan.
“Sometimes, we’re taking the competition too seriously that we forget beauty queens are imperfect human beings,” sabi ng dalaga. “Nakakalimutan ho natin ‘yun. And when we force fit women into a mold or a prototype, it’s not very empowering.”
“It goes against what pageants are supposed to be–a platform that inspires and empowers women. Kaya tigil-tigilan na ho natin ang pamba-bash, okay lang ho ba?” dagdag niya.
“Minsan nakakalungkot that we say we support one candidate, but then the way we support that candidate is we bash other candidates. Eh ‘yang mga ‘yan magkakaibigan ‘yan, they’re sisters. And so anong mararamadan ‘nung kandidata kung sinusuportahan niyo siya pero ‘yung ibang girls na kaibigan nila bina-bash natin. Again that’s not very kind and that’s not very empowering,” sabi pa ni Venus.