Aminado ang aktres na si Jennica Garcia na talagang ipinagpapasalamat niya ang pagkakaroon ng mababait na anak at ayon sa kanya ay naging maayos naman ang pagpapalaki niya sa kanyang 7-year-old na anak na si Mori.
“You’re growing up really well, Ate Mori. I don’t know what it is that I did exactly for you to be the little lady that you are now,” sabi ni Jennica sa kanyang IG post at dagdag niya, kahit nasa murang edad pa lamang ay “matured” na ito mag-isip, lalo na pagdating sa kapatid nitong bunso.
“You insist on doing the dishes when I come home from work. You tell me to sleep on the bed when you catch me with my eyes closed while sitting down when I’m supposed to study. You instruct me to get more sleep when I’m supposed to make breakfast for you and your sister because you can already make food for yourself and Alessi,” sabi ni Jennica patungkol sa kanyang anak.
“Mahal na mahal kita Ate Mori. Walang hindi ibibigay sayo, walang hindi kakayanin,” sabi pa niya.
“I am so grateful to God for blessing me with two children because I know that when I’m not around. You two have each other,” dagdag pa ng aktres. “Us girls… Alessi, you and I are going to be BESTFRIENDS for life.”
Naging emosyonal din si Jennica sa kanyang ibinahaging mensahe para sa anak.
Masayang-masaya siya dahil makakabili na raw siya ng aircon at water heater matapos ang sampung buwan.
“Nanay is getting emotional because I’m heading to the mall tonight to buy an aircon and a water heater for our bathroom,” saad ni Jennica.
Naikwento niya na matagal-tagal na rin kasi silang nagtitiis sa init tuwing matutulog, at para hindi na mag-aantay ang dalawa sa tuwing maliligo sila.
“Pagpahingain na natin yung electric fan, 10 months na tayong lapot gumigising. Wag na natin paabutin ng isang taon,” sabi ng aktres “Hindi na rin ako ulit mag-iinit ng tubig para isalin sa balde panligo niyo pag malamig ang panahon. Anytime gusto niyo maligo, GO! Wala ng antayan. Nanay got this kids! [fire emoji] Buhat ko kayo lagi [strong arms emoji].”